-- Advertisements --

Patuloy na gumagawa ng hakbang ang Task Force El Niño para masiguro ang sapat na supply ng pagkain at bigas sa bansa.

Ito ay sa kabila pa rin ng pagtaas ng bilang ng mga rehiyon na naapektuhan ng tagtuyot
.
Batay sa datos, nakapagtala ng pinsala sa agrikultura ang Ilocos Region at MIMAROPA.

Sa naging panayam, sinabi ni Task Force El Niño Spokesperson Joey Villarama na kabilang rin sa mga rehiyon na labis na nakararanas ng epekto ng El Nino ay ang Western Visayas at Zamboanga Peninsula

Aabot na rin sa kabuuang 6,600 na ektarya ng lupain ang apektado ng El Niño. sa bansa.

Gayunpaman, maliit na bahagi lamang ito kumpara sa una nang projection na 275,000 hectares ng lupain ang tatamaan ng tag-tuyot.

Tiniyak naman ni Asec. Villarama na tuloy-tuloy ang mga ginagawang interbensyon ng gobyerno upang mapagaan ang epekto ng El Niño.

Layon rin nito na matulungan ang mga apektadong magsasaka sa bansa.

Sinabi rin nito na sa kabila ng mga nararanasang tagtuyot, sapat pa rin ang supply ng bigas at pagkain sa bansa.