CEBU CITY – Ilulunsad ng Cebu City ang Task Force Gubat sa Baha kung saan isasabay ito sa selebrasyon ng International Cleanup Day sa araw na Sabado, Setyembre 17.
Inihayag ni dating DENR Secretary at ngayon Cebu City Environmental Adviser Roy Cimatu, na kasabay sa kanilang paglunsad ng nasabing task force ay ang partisipasyon nitong lungsod sa paglilinis ng mga ilog kung saan maglalagay ng backhoe at dump truck para sa nasabing aktibidad.
Ayon kay Cimatu na ang paglunsad ng nasabing task force ay ang pagbabawas ng tubig baha sa pamamagitan ng ‘dredging’ sa mga ilog at ang pagkuha ng mga basura kung saan isa sa mga nakita nitong malaking problema ng lungsod.
Dagdag pa ni Cimatu na isasagawa ang paglilinis sa pitong mga ilog na ‘identified’ na umaapaw ang tubig na nag-resulta ng pagbaha sa malaking bahagi ng lungsod.
Problema sa baha ang isa sa mga tinutokan ngayon ng administrasyon ni Cebu City Mayor Michael Rama dahil sa layunin nitong gawing Singapore-like ang lungsod.