Dumating na sa Ilocos Region ang mga linemen na bumubuo sa Task Force kapatid na unang binuo ng natioanl Electrification Administration.
Ang mga ito ay nanggaling mula sa ibat ibang mga electric cooperative mula sa iba’t ibang probinsya na kinabibilangan ng Pampanga, Tarlac, SanJose city, at iba pa.
Ang nasabing task force ay binubuo ng 32 linemen at mga inhinyero na silang tutulong sa pagpapanumbalik ng mga nasirang linya ng kuryente, naputol na poste, at iba pang pangunahing aktibidad.
Maalalang sa kasagsagan ng Supertyphoon Egay ay may mga poste at transmission lines na naapektuhan dahil sa lakas ng paghangin hatid ng nasabing supertyphoon.
Nauna na ring iniulat ng National Grid Corporation of the Philippines na naibalik na nito sa normal ang mga naapektuhang transmission lines, habang patuloy naman sa pag-aayos ang mga distribution utilities sa kani-kanilang area of operation.