-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Bumuo na ng Task Force Kontra Dengue ang Provincial Disaster Risk and Management Councilo ng South Cotabato upang masugpo at dumadaming kaso ng dengue sa lalawigan.

Ito’y matapos idineklara ang state of calamity dahil sa dengue outbreak sa buong probinsya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay PDRRMO chief Dione Rolly Aquino, ang nasabing task force ay kinabibilangan ng PDRRMO, Integrated Provincial Health Office (IPHO), South Cotabato Provincial Hospital, PIO, MDRRMO sa iba’t-ibang mga bayan at mga rural health units.

Sa isinagawang pagpupulong, tinalakay umano ang mga hakbang upang maiwasan ang dengue kabilang na dito ang pag-purchase ng fogging o misting machines, pagbili ng mga kemikal na gagamitin sa fogging operations, pagsasaggawa ng Oplan Kulob Program at pagpapatupad ng Massive information Education campaign mula sa mga bayan patungo sa mga purok at sitio, maging sa mga paaralan at simbahan sa buong probinsya.

Batay sa pinakahuling datos noong Hulyo 13, umabot na sa mahigit 3,000 na ang naitalang kaso ng dengue kung saan 20 na ang nasawi.