-- Advertisements --

Ilang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isasailalim sa pagsasanay na siyang magiging bahagi sa kampanya laban sa iligal na droga ng pamahalaan.

Nilinaw ni AFP chief of staff General Eduardo Ano, hindi lahat ng sundalo ay gagamitin para sa kampanya sa iligal na droga.

Sinabi ni Ano na pili lamang ang mga sundalo na magiging bahagi sa kampanya kontra droga.

Aniya, kanila lamang palalawakin ang kanilang Task Force Noah na matagal ng binuo na siyang misyon nito ay para linisin ang kanilang hanay laban sa iligal na droga lalo na sa mga sundalong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ang Task Force Noah ng AFP ang siyang nagbibigay ng mga impormasyon sa PNP at PDEA kaugnay sa iligal na droga.

Pahayag pa ni Ano, sa nasabing task force ay dadagdagan lamang nila ito ng striking force na well-trained na siyang tutulong sa PDEA sa kanilang mga isasagawang anti-drug operations.