BAGUIO CITY– Naniniwala ang lokal na pamahalaan ng Baguio City na kaya nitong tugunan ang anumang sitwasyon kung sakaling paapsok sa lokalidad ang Novel Coronavirus.
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, ito ay matapos inilunsad ng lungsod ang Task Force Novel Coronavirus batay pa rin sa deriktiba ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.
Samantala, inihayag naman ni Albert Mogol, regional director ng Office of the Civil Defense (OCD) Cordillera na nabuo ang task force para maiwasan ang pagkalat ng naturang virus sa lungsod.
Sinabi niya na magdedepede ang task force sa balita at deriktiba ng mga kinuukulang awtoridad partikular ang Department of Health.
Dagdag pa ni Mogol na katulong ng OCD at ang lokal na pamahalaan ang Department of Education para naman sa information dissemination campaign sa isyu ng coronavirus.
Nabuo ang novel coronavirus task force dito sa lungsod matapos ang kumpirmasyon na nakapasaok na dito sa Pilipinas ang Wuhan Coronavirus.