-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagdulot ng takot sa ngayon ang magkasunod na pagsabog ng granada sa checkpoint ng Task Force Pikit sa probinsiya ng North Cotabato.

Ito ang kinumpirma ni PMaj. Maxim Peralta, hepe ng Pikit MPS sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal. Ayon kay Peralta, dalawang magkasunod na pagsabog ang naitala sa checkpoint sa National Highway habang nagbabantay ang mga kasapi ng otoridad at mabuti na lamang na walang may nasugatan.

Agad naman na nagsagawa ng imbestigasyon ang EOD team upang malaman ang uri ng pampasabog at ang sinumang responsable sa pananabotahe.

Nilinaw din ni Peralta na hindi pa matukoy sa ngayon ang grupo na may kagagawan ng insidente.

Walang natalang nasaktan o nasugatan sa nangyaring pagsabog.