-- Advertisements --

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo ng task force na tututok at magpapabilis sa rehabilitasyon ng pamahalaan sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.

Sinabi ni Pangulong Duterte, ang task force na ito ay kabibilangan ng halos lahat ng ahensya ng pamahalaan na layong i-streamline ang mga aksyon ng gobyerno para sa mga apektado ng bagyo.

“Ang gobyerno natin ay gumagawa ng mga patakaran na para matulungan makabangon ‘yung tinamaan ng epekto ng typhoon. Kaya sa madalian, gumawa ako ng hakbang, creation of a task force. Ito naman, I directed them to streamline para madali ang rehabilitation efforts affected by the typhoon,” ani Pangulong Duterte.

Bibigyan ni Pangulong Duterte ng timeline ang mga ito para gumawa ng kanilang aksyon nang walang delay o red tape.

Binigyang-diin ni Pangulong Duterte na nais niya na maipaabot nang mabilis sa mga apektadong Pilipino ang mga ayuda, suporta at tulong mula sa national government.