Kumpiyansa ang Task Force Bangon Marawi (TFBM) na matatapos nila ang isinasagawang rehabilitasyon sa lungsod ng Marawi, na lubhang napinsala dahil sa giyera noong 2017, sa itinakdang deadline na Disyembre 2021.
Sa isang pahayag, sinabi ni TFBM chief Chairman Sec. Eduardo Del Rosario, sa ngayon ay 40% nang kumpleto ang ginagawang pagsasaayos sa siyudad.
“Based on my recent visit in the last two days, we are now 40% (complete) in the vertical and horizontal infrastructure. That’s why I told them that if we will be completing 10% per month, we are within our timeline of completing the rehabilitation by December 2021,” saad ni Del Rosario.
“So we are now 40% in terms of accomplishment. Based on our Master Development Plan, we are on track with the target that we have set,” dagdag nito.
Ang second phase ng rehabilitasyon ng TFBM – debris management – ay nakatuon sa pag-alis ng milyon-milyong tonelada ng debris kasunod ng limang buwang bakbakan sa pagitan ng puwersa ng gobyerno at ng ISIS-Maute terror group.
Sa nasabi ring yugto, ang mga hindi sumabog na bomba ay ni-recover at pinasabog.
Inabot ng isang taon at apat na buwan bago makumpleto ang ikalawang phase.
Ang susunod namang yugto ng rehabilitasyon ay ang pagtatayo ng vertical at horizontal infrastructure, na nagsimula noong Hulyo 2020 sa gitna ng COVID-19 pandemic.