-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Nanawagan sa mga opisyal ng barangay ang task force ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela na nakatutok sa African swine fever (ASF) na paigtingin ang pagpapatupad sa inilabas na Executive Order No. 9 ng lalawigan na “No Katay, No Pauraga.”
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay retired Gen. Jimmy Rivera, isa sa mga namumuno sa ASF task force ng Isabela, sinabi niya na isa sa nakikitang dahilan kaya nakapasok ang ASF sa lalawigan ay dahil sa pauraga.
Aniya, kung may marinig o makita tungkol dito ay huwag magdalawang isip na ipaalam sa mga kinaukulan para mapigilan.
Kung pinabayaan aniya ito ay mauubos ang mga babuyan sa lalawigan lalo na at pangunahing maapektuhan nito ay ang mga maliliit na hog raisers.