-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO- Di natinag kahit gaano pa kalakas ang ulan at baha, at patuloy ang pagsundo sa mga umuuwing Locally Stranded individuals (LSIs) at Returning Overseas Filipino workers (ROFs).
Ito ang bumungad kay Joven Nuñes, isang frontliner ng Task Force Sagip Stranded North Cotabateños (TF Sagip), patungong Davao City nang maabutan ang malakas na agos ng baha sa nasabing syudad.
Ayon kay Engr. Mike Mineses, Operation Head ng TF Sagip, “Dito nakikita ang didikasyon at sakripisyo ng ating mga frontliner sa Task Force Sagip sa pag tulong sa ating mga kababayan.”.
Ngayon ay lomobo pa ang bilang ng mga LSIs at ROFs na dumating sa probinsya at agad sinailalim sa 14 day quarantine habang hinihintay ang resulta ng kanilang RT-PCR Test.