-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Magdamag na naghintay ng mga Locally Stranded Individuals (LSIs) mula sa Davao City Airport Task Force Sagip Stranded North Cotabateños

Umabot sa 19 katao ang nasundo at ito ay kinabibilangan ng 15 Rof, 4 Lsi.

Ito ay bilang pagtugon sa isa sa mga prayoridad na programa ni Cotabato Governor Nancy Catamco na mapauwi sa probinsya ang mga stranded individuals ngayong panahon ng pandemyang kinakaharap.

Kasama sa team ng task force sagip stranded North Cotabateños ang BFP, IPHO, PDRRMO, PGO, PIATF at ang mga Lgu at mga ahensya ay nagtutulungan upang masiguro ang kapakanan ng bawat isang Cotabateños umuuwi sa probinsya ng Cotabato.