CENTRAL MINDANAO- Nagtayo ng bagong decontamination area ang Task Force Sagip Stranded North Cotabateños sa harap ng patuloy na pagsiuwian ng mga Local Stranded Individuals (LSI).
Sinabi ni PIATF ICP Head, BM Philbert Malaluan na bunsod ito ng pagnanais na TF SaGIP na magkaroon ng mas maluwang na lugar at mas maayos nilang pagproseso ng decontamination sa mga LSI at ng mga sasakyan. Naitayo ito sa harap ng Capitol Grandstand.
Basi sa datus, 13,537 ang LSI na ang nagawang tulungan ng TF Sagip Stranded simula nang nagsimula ito ng operasyon noong buwan ng Mayo hanggang July 30, 2020. Inaasahan na patuloy itong madagdagan sa darating pang mga araw.
Pitong sweeper flights na ang nagawang mapalipad ng probinsya makauwi lamang ang mga LSI na nasa Manila at Visayas. Mayroon pang flights na nailaan ang programa para sa mga LSI ng Cebu at Iloilo basi sa pahayag ni BM Malaluan.
Kasabay ng pagdalaw sa mga barangay, patuloy naman si Governor Nancy Catamco sa pagtiyak ng kahandaan na magkaroon ng quaratine areas sa mga barangay.
“Maari nating magamit ang mga pasilidad sa barangay, di po kasi natin maaring ipagkait sa mga LSI ang karapatan na makauwi sa kanilang mga tahanan,” ayon sa Gobernadora sa kanyang pagbisita kahapon sa bayan ng Aleosan.
Pero dapat lang na matiyak ng mga BHERT ang pagsasailalim ng 14-day Quarantine ng lahat ng mga LSI, dagdag ng Gobernadora