-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Tuloy tuloy ang operasyon ng Task Force Sagip Stranded North Cotabateños sa pagsundo ng mga.LSI sa airport kahit pa man linggo

Umaabot sa 45 Locally stranded Cotabateños ang nasundo ng Tf Sagip Stranded NC, ito ay kinabibilangan ng 30 Rofs at 15 Lsi na mula sa mga paliparan ng Davao City.

Ayon kay Engr. Mike Mineses, TF Sagip Stranded Operation Head na patuloy operation ng team araw araw. bilang tugon sa mga papauwing mga Lsi at Rof sa Probinsya.

lubusan ang pasasalamat ng mga nasundong Lsi at Rof kay Governor Nancy A. Catamco sa didikasyon nito sa pagpapasundo sa kanila.

Para sa maayos na koordinasyon at proseso ng pagsundo, siguraduhin na my sapat na dokumento tulad Travel Authority at Medical Clearance Certification mula sa Municipal/ City Health Office.