-- Advertisements --

KORONADAL CITY- Agad na bumuo ng Task Force mula sa mga Persons Deprived of Liberty o PDLs si South Cotabato Rehabilitation and Detention Facility o SCRDC OIC Jail Warden Lorry Celeste sa layuning mas mapagtibay pa ang pagbabantay laban sa iligal na droga na nasa jail makaraang 11 sa 35 na mga inmates sa SCRDc ang nagpositibo na naman sa drug test.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Mr. Lory Celeste ang OIC Jail Warden ng SCRDC, sinabi nito na nito na bumup ito ng task force na binubuo ng tatlong tribo: Muslim, Christian at Tribal kung saan ito sila ay mayroong chairman, vice-chairman at mga miyembro na silang hahabol sa kagaya nilang mga inmates na patuloy na gumagamit at nagsasagawa ng mga iligal na gawain dahil sa droga.

Sa ganitong paraan masisiguro aniya na hindi na makakalusot pa ang ilegal na droga sa Jail. Sa ngayon, panibagong 11 na inmates sa South Cotabato Provincial Jail ang nagpositibo sa droga.

Ayon kay Celeste , dahil sa pangyayari agad na nagsagawa ng greyhound operation ang kanyang grupo na naging sanhi ng pagkakakumpiska ng anim na maliliit na sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Kabilang sa nakumpiska ay mga deadly weapons, cellphones, drug paraphernalia at maraming iba pa.

Sa katunayan, may ibinunyag na umano ang mga bilanggo na pangalan ng jail guards na sangkot sa pagpupuslit ng droga sa loob ng jail.

Matatandaan na sinailalim noong Pebrero 20 ang mahigit 40 na inmates sa drug testing kung saan siyam naman dito ang nagpositibo.

Dagdag pa ni Celeste na kanilang mas hihigpitan ang pagtutok sa mga dalaw; nagpapadala ng pagkain gayundin sa mga personnel sa paniniwalang sila rin ang nasa likod ng pagpupuslit ng mga kontrabando.

Samantala, isinailalim na umano sa isolation ang mga inmates at isasailalim na sa imbestigasyon.