KORONADAL CITY – Usap-usapan sa ngayon ang ginawang pampa-good-vibes ng mga Frontliners sa bayan ng Tampakan, South Cotabato sa kabila ng kinakaharap na problema o krisis dulot ng Corona Virus Infectious Disease o COVID-19.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Stella Pascua, liason officer ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council o MDRRMC-Tampakan, nagkayayaan sila ng kaniyang mga kasamang frontliners na gumawa ng dance video gamit ang isang mobile apps.
Ayon kay Pascua, kabilang sa mga sumayaw upang mabuo ang video at ang mga kasapi ng Tampakan Rescue Unit at Mountain Search and Rescue.
Layunin umano nila na maipakita sa mamamayan na kahit mabigat ang problemang kinakaharap ngayon ng bansa hindi pa rin dapat mawalan ng pag-asa sa halip kailangan na mabawasan kahit papaano ang lungkot, trauma, panic at takot.
Balewala umano ang pagod para sa kanilang mga frontliners na nagsasakripisyo at nagtatrabaho 24/7.
Nais din umano nila na mahikaya’t ang mamamayan ng Tampakan na mag-isa upang labanan ang COVID-19.