-- Advertisements --
TACLOBAN CITY – Arestado ang isang tatay dahil sa panghahalay nito sa sariling anak sa Brgy. Balilit, Dagami, Leyte.
Kinilala ang suspek na si Nilo Labarion, 41, isang laborer at mayroong standing warrant ng limang bilang ng kasong rape.
Ayon kay Capt. Noel Casillar, hepe ng Dagami MPS, lumabas sa kanilang imbestigasyon na sa bawat pag-uwi ng 14-anyos na anak ng suspek galing sa eskwelahan ay ginagahasa raw ito.
Ginagawa rin ng suspek ang panghahalay sa kanyang sariling anak sa tuwing wala sa kanilang bahay ang kanyang misis.
Nadiskubre lang ang naturang insedente matapos na magsumbong ang biktima sa kanyang nanay sa ginagawang kababuyan sa kanya ng kanyang ama.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga kapulisan ang naturang suspek.