CAUAYAN CITY – Labis ang kasiyahan at pasasalamat ng ama ni Pinoy boxer Carlo Paalam sa panalo ng kanyang anak sa men’s flyweight quarterfinals ng 2020 Tokyo Olympic Games.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginoong Pio Paalam, ama ni Carlo Paalam na nagpapasalamat sila sa Panginoon sa panalo ng kanyang anak laban kay Shakhobidin Zoirov ng Uzbekistan.
Ayon kay Ginoong Paalam, pinanood nila ang laban ni Carlo at nagtatalon sila sa tuwa matapos na i-anunsiyong nanalo ang anak sa laban nila ng Uzbekistan boxer.
Pinasalamatan din niya ang Bombo Radyo Philippines dahil sa suporta at pagsubaybay sa laban ng kanyang anak.
Umaasa sila na mananalo muli si Caro sa susunod niyang laban para sa gold medal.
Si Carlo Paalam ay ranked number 12 sa men’s flyweight division sa rankings ng Amateur International Boxing Association.
Siya ay gold medalist sa 30th SEA Games light flyweight division.