Muling nagpaabot ng pasasalamat ang pamilya Pimentel sa mga nagparating nang pagdarasal para gumaling ang dating Senate president na si dating Senador Aquilino “Nene” Pimentel Jr.
Sa isang statement, kinilala ng mga ito ang mga nagparating mga suporta at pagmamahal sa kanilang Tatay Nene.
Sa ngayon aniya ay masusing binabantayan pa rin ng mga doktor ang vital signs ng 85-anyos na dating mambabatas na isinugod sa ospital nitong nakalipas na araw dahil sa pneumonia.
Kasabay nito ang patuloy din namang pagdarasal ng mga Pimentel sa Panginoon para sa tuluyang paggaling ng tinaguriang “ama ng local government unit.”
“Thank You for all your prayers for Tatay Nene. The family appreciates all the outpouring of love & support. Tatay’s vital signs are still being closely monitored. We are praying for God’s grace of healing.”