Gumuho ang isang oceanfront bluff sa Grandview beach sa Encitas San Diego, California na nagresulta sa pagkamatay ng 3 katao.
Naganap umano ang insidente bandang 2:55 ng hapon kung saan ang nine by eight meters ng cliff ay gumuho at ilang mga malalaking bato at mga buhangin ang nagsilaglagan sa maraming tao doon.
Ilang mga biktima ay kinailangang hukayin sa pagguho kabilang na ang isang babae habang dalawang biktima naman ang dead on arrival.
Kasalukuyan pang inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga biktima. Gumamit ang mga ito ng cadaver dogs upang hanapin pa ang mga posibleng nawawalang mga labi.
Ayon kay Brian Ketterer, southern field division chief ng California State Parks, madalas apat hanggang walong beses sa isang taon nagaganap ang ganitong pagguho sa mga beach bluffs, at natural umano ito dahil sa patuloy na paglaho at pagbabago ng mga coastlines doon.