Patay ang tatlo katao matapos ang ginawang pag- atake ng Russia sa city of Konstantynivka, bandang eastern ng Ukraine.
Ayon sa local government ng siyudad na marami ang naitalang nasugatan sa nasabing insidente na umabot sa halos 14 katao.
“The Russians fired at a residential neighbourhood, damaged four multi-storey buildings, a hotel, garages and civilian cars,” ayon sa regional governor ng Donetsk na si Pavlo Kyrylenko.
Ang pag atakeng ito raw ang nag mitya sa buhay ng tatlong sibilyan sa kanilang lugar.
Ayon naman sa Ukraine defence ministry, gumamit ang Russia ng maraming rocket launchers sa kanilang pag atake sa Konstantynivka.
Samantala, nasa pinangyarihan naman raw agad ng insidente ang mga rescuer at kapulisan upang tulungan ang mga biktima ng nasabing pag atake.
Matatandaan na ang Moscow, pinakalamaking city sa Russia ay ninanais na sakupin ang buong rehiyon ng Donetsky, na sa ngayon ay idineklara na ngang part ng Russia.
Napansin rin umano ng Ukraine na nagsisimula na ang Russia sa pag atake sa eastern part ng kanilang bansa partikular na sa bayan ng Vugledar at Bakhmut.