-- Advertisements --

Aksidente umanong nabaril at napatay ng mga sundalong Israeli ang tatlong bihag ng Israel sa hilagang Gaza matapos mapagkamalang mga banta, sinabi ng Israel Defense Forces.

Kinilala ang mga hostage na sina Yotam Haim at Alon Shimriz, na kinidnap mula sa Kibbutz Kfar Aza noong Oktubre 7, at Samer Talalka, na kinidnap mula sa Kibbutz Nir Am sa parehong araw.

Kinumpirma naman ni Israel Defense Forces spokesman Daniel Hagari, na agad naman nilang sinimulan ang naturang inisdente.

Sinabi ni Hagari na naniniwala ang IDF na ang tatlong lalaki ay nakatakas sa kanilang mga nabihag o “naiwan” dahil sa labanan sa lugar.

Nang tanungin kung ang tatlong lalaki ay nagtaas ng kanilang mga kamay o sumigaw sa Hebrew, sinabi ni Hagari na ang militar ay patuloy pa ring sinusuri ang mga detalye at nangako ng full transparency tungkol sa lahat ng mga detalye ng insidenteng ito.

Dagdag pa ng tagapagsalita, nangangalap pa rin hanggang ngayon ang Israel ng mga katotohanan tungkol sa nakamamatay na pamamaril.

Bago inihayag ang balita ng pagkamatay ng tatlong hostage, sinabi ng Israel noong Biyernes na naniniwala silang 132 hostage ang nanatili sa Gaza, kung saan 112 ang inakalang buhay pa.