-- Advertisements --
TACLOBAN CITY – Tatlong mga opisyal ng isang barangay ang pinagbabaril-patay sa bahagi ng Brgy. Cagbanyacao ha Calbayog City Samar.
Kinilala ang mga biktima na sina Brgy. Kagawad Jonas Casaljay, Chief Lupon Miguel Galvan, at Chief Tanod Benedicto Dacara, pawang mga residente ng nasabing barangay.
Ayon kay Pol. Lt. Aileen Velarde information officer ng Samar PPO, sa ngayon ay natukoy na nila ang anim na mga suspek sa naturang pamamaril ngunit hindi na muna nila ito pinangalanan.
Patuloy rin ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa motibo ng mga suspek sa nasabing krimen na nangyari sa kasagsagan ng bagyong Odette.