-- Advertisements --

Nagpositibo sa isinagawang random drug test ng Philippine Drug Enforcement Agency ang tatlong driver ng Paranaque Integrated Terminal Exchange.

Batay sa report ng Land Transportation Office-National Capital Region, aabot sa 86 na mga driver ang kabuuang bilang na sumalang sa naturang test at tatlo sa mga ito ay nagpositibo.

Ang naturang hakbang ay bilang bahagi ng “Oplan Biyaheng Ayos” para matiyak ang kaligtasan ng mga byahero ngayong Undas.

Bilang pag-iingat, ang mga nagpositibong driver ay hindi muna pahihintulutan na makapag maneho hanggat hindi ito sumasailalim sa confirmatory test.

Siniguro naman ng pamunuan ng LTO ang pagpapatuloy ng mga pagsusuri sa roadside at terminal sa Metro Manila ngayong Undas.

Ayon sa LTO, magiging katuwang nila ang iba pang ahensya ng gobyerno para maging ligtas ang publiko.