-- Advertisements --

Magpapatupad ng tatlong buwan na maintenance work ang pamunuan ng Manila Water sa may bahagi ng Cainta, Rizal simula ngayong araw.

Ayon sa Manila Water, ito ay ang Looping and Interconnection Project sa kahabaan ng Ortigas Avenue Extension sa Cainta sa nasabing lalawigan.

Batay sa naging abiso ng water concessionaire, sila ay maglalatag kasi ng 2200 mm (millimeter) x 300 mm line  sa ilang parte ng Ortigas Extension.

Tuwing alas 10 ng gabi hanggang alas 4 ng madaling araw gagawin ang naturang aktibidad.

Ito ay inaasahang tatagal ng hanggang Hulyo 7 o tatlong buwan ng taong ito.

Posible ring maapektuhan ang daloy ng trapiko sa lugar dahil sa naturang proyekto.

Sa kabila nito ay mananatiling bukas ang lahat ng lanes hanggang matapos ang proyekto sa lahat ng mga motorista.

Humingi naman ng pang-unawa ang water concessionaire sa magiging abala ng kanilang proyekto.