-- Advertisements --
viber image 2022 12 05 09 02 42 385

Ligtas na nakabalik sa Earth ang tatlong Chinese astronaut pagkatapos ng anim na buwang lulan sa Tiangong space station na kung saan ito ay itinuturing na isang ganap na tagumpay na kanilang misyon.

Ang grupo na nakasakay sa istasyon mula noong unang bahagi ng Hunyo, ay dumaan sa Dongfeng landing site sa Inner Mongolia dakong alas 8:0 oras ng Beijing sa China.

Sinabi ng mga tauhan ng medikal na sila ay nasa mabuting kalusugan paglapag nila sa kanilang bansa.

Ang istasyon Tiangong space station ay ang koronang hiyas ng ambisyosong programa sa kalawakan ng Beijing na nakarating sa mga robotic rover sa Mars at Buwan.

Ang tatlong Shenzhou-14 astronaut at mission commander na si Chen Dong, ang unang babaeng astronaut ng China na si Liu Yang at teammate Cai Xuzhe ay inatasan sa pangangasiwa sa mga huling yugto ng pagtatayo ng nasabing space station.