Kinumpirma ng Chinese Embassy sa Maynila na tuluyan nang na deport ang tatlong chinese national na sangkot sa kidnapping activities sa Pilipinas pabalik sa Beijing, China.
Ayon sa embahada, ang hakbang na ito ay nagpapakita lamang ng malakas na determinasyon ng dalawang bansa na magkasamang labanan ang kidnapping at iba pang krimen na may kaugnayan sa offshore gambling.
Hindi naman pinangalanan pa ng Chinese Embassy sa Maynila ang nasabing mga chinese national.
Batay sa ulat, maliban sa umano’y pagkakasangkot nito sa mga kidnapping activities sangkot din ang tatlo sa operasyon ng mga ilegal na online games.
Binigyang diin naman ng emhada na mariin na ipinagbabawal ng kanilang bansa ang anumang uri ng pagsusugal sa kanilang mga mamamayan.
Wala pang pahayag ang Bureau of Immigration hinggil sa deportasyon na ito.
Noong nakaraang taon, 1,085 na mga nagkasalang foreigners ang inaresto ng immigration .