-- Advertisements --
Kinumpirma ng hydrology division ng bansa na nagpapatuloy ang pagpapakawala ng tubig tatlong pangunahing dam sa Luzon.
Ito ay dahil sa dami ng volume ng tubig ulan na ibinagsak ng bagyong Kristine nitong mga nakalipas na araw.
Ayon sa ahensya , kabilang sa nagpakawala ng tubig ay ang Ambuklao Dam at Binga Dam sa Benguet kabilang na ang Magat Dam sa Isabela.
Batay sa datos ng state weather bureau, binuksan ang dalawang gate sa Ambuklao at Binga Dam dahil hanggang sa ngayon ay naaabot pa nito ang high water level ng dam.
Samantala, isang gate naman sa Magat Dam ang binuksan at ito ay mayroong 2 meters opening.
As of 8am ng umaga ngayong araw, aabot sa 88.55 meters ang water level ng Magat Dam.