-- Advertisements --

Hindi bababa sa tatlong indibidwal ang nasawi matapos ang nangyaring sunog sa isang residential area sa Molo district, Iloilo City nitong sabado lamang ng madaling araw.

Ayon sa LGU, aabot sa dose-dosenang pamilya ang nawalan ng tirahan matapos itong matupok ng naglalagablab na apoy.

Sinabi rin ng mga kinauukulan na aabot sa 72 families ang naapektuhan ng sunog sa Zone 3 sa Barangay Salvacion, Habog-Habog bago mag alas-5 ng umaga.

Umabot naman sa ikaapat na alarma bago ito idineklarang fire out dakong 6:59 ng umaga.

Ayon sa mga awtoridad, aabot sa 66 na istraktura ang nasira kung saan 64 dito ang lubusang natupok ng apoy.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga kabahayan dahil karamihan sa mga ito ay gawa  light materials.

Wala namang naiulat na nasaktan sa nangyaring insidente. 

Samantala, umapela naman ang  pamahalaang lungsod sa publiko para sa mga  donasyon para sa mga biktima na sa ngayong ay nananatili sa itinalagang  evacuation site sa Baluarte Elementary School.