-- Advertisements --
image 540

Dalawa katao ang kumpirmadong nasawi nang sumiklab ang tatlong magkasunod na sunog sa Iloilo sa loob lamang ng isang araw.

Sa relocation site sa Barangay Lanit, Jaro, Iloilo City, apat na bahay ang totally burned habang isa ang partially burned.

Hindi pa man nakapagpahinga ang mga bumbero kahapon ng nahapon, nasunog rin ang isang bahay sa Barangay Botong, Oton, Iloilo na ikinamatay ng isang 74-anyos na person with disability.

Lumipas ang ilang oras, tinupok rin ng apoy ang isa pang bahay sa Sta. Rosa, Mandurriao, Iloilo City.

Patay rin ang 74-anyos na Lola na na-trap sa nag-iisa lamang sa loob ng bahay nang mangyari ang insidente.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Fire Chief Superintendent Atty. Jerry Candido, director ng Bureau of Fire Protection Region 6, sinabi nito na patuloy pa ang imbestigasyon ng otoridad kung ano ang pinagmulan ng hiwalay na fire incidents.

Ngayong Fire Prevention Month, muli itong umapela sa mga residente na mag-ingat at sundin ang abiso ng fire authorities upang maisawan ang karagdagang lalo na sa residential areas sa lungsod ng Iloilo.