Dinagdagan pa ng tatlong malalaking dam sa Northern Luzon ang volume ng pinapakawalang tubig dahil sa nagpapatuloy na mabibigat na pag-ulan.
Kabilang sa mga dam na nagbukas ng floodway gate ay ang Ambuklao Dam, Binga Dam, at Magat Dam.
Sa Ambuklao Dam, ginawa nang kalahating metro ang opening ng isang gate na nakabukas, mula sa dating 30 centimeters.
Naglalabas ito ng kabuuang 129.31 cubic meter per second.
Sa Binga Dam naman, binuksan na ang dalawang gate mula sa dating iisang gate. Mayroon itong kabuuang isang metrong opening mula sa dating 30 centimeters.
Naglalabas ngayon ang naturang dam ng kabuuang 191.03 cubic meter per second.
Sa Magat Dam, isang gate nito ang bukas at may opening na isang metro. Kabuang 612.78 cubic meter ang inilalabas nito kada segundo.
Samantala, malapit na ring maabot ng Ipo Dam ang spilling level matapos umapaw sa 100.79 meters ang lebel ng tubig nito. Ito ay ilang sentimetro lamang mula sa 101.10 Normal High Water Level ng naturang dam.