![image 475](https://xrc.bomboradyo.com/newscenter/2023/09/image-475.png)
Nanawagan ang tatlong malalaking grupo ng mga manufacturer sa pamahalaan na pakinggan ang kanilang kahilingan na price adjustment sa mga produkto.
Kinabibilangan ito ng mga grupong Philippine Baking Industry Group (Philbaking), the Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI) and the Canned Sardines Association of the Philippines.
Panawagan ng grupo, tugunan na ng pamahalaan ang kanilang kahilingan na pagtaas sa presyo ng mga paninda, dahil sa labis na silang naaapektuhan sa ibat-ibang salik.
Kinabibilangan ito ng pagtaas sa presyo ng mga raw materials na ginagamit sa produksyon, pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo, at iba pang local materials na kailangan nila sa kabuuang produksyon.
Inihalimbawa ng Philippine Baking Industry Group ang huling pagtaas sa presyo ng mga panindang tinapay na noon pang Pebrero, habang halos sunod-sunod nang nagtaasan ang presyo ng mga raw materials at ang petrolyo.
Malaki aniya ang epekto ng mga nasabing produkto sa pangkabuuang produksyon ng tinapay na inilalabas upang maibenta sa mga merkado.
Kahalintulad din dito ang katwiran ng dalawang iba pang grupo kayat hiling ang pagtaas sa presyo ng kanilang mga inilalabas na produkto.
Una nang sinabi ng Department of Trade and Industry na kasalukuyan pa rin nitong pinag-aaralan ang kahilingan ng mga manufacturers na taas-presyo sa ibat ibang mga paninda, katulad ng sardinas, gatas, kape, instant noodles, at iba pa.