![image 83](https://xrc.bomboradyo.com/newscenter/2023/08/image-83.png)
agsasagawa ng dredging at desilting operation ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa tatlong malalaking ilog sa bansa, na nagiging pangunahing dahilan ng mga pagbaha sa maraming mga komyunidad.
Kinabibilangan ito ng Pasig River dito sa Metro Manila, Pampanga River sa Central Luzon, at ang Dimagla River sa Nueva Ecija na dumadaloy din sa malaking bahagi ng Central Luzon.
Ayon kay Public Works Secretary Manuel Bonoan makakatulong ang gagawing operasyon upang mabawasan ang labis na pagbaha sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Ang Pampanga River ay ang pangalawang pinakamalaking ilog sa Central Luzon na dumadaloy mula Pampanga, Bulacan, at Nueva Ecija. Ayon sa DPWH Chief, labis na umaangat ang tubig nito dahil sa mababaw na ang nasabing ilog at wala rin umanong mga kahoy na sumisipsip sa tubig.
Ang Dimagla River naman ay ang ilog na nagpapabaha sa maraming komyunidad sa Nueva Ecija.
Sa inisyal na plano ng ahensiya, 4.4kilometers ng nasabing ilog ang nais nilang matanggalan ng silt materials o mga basura at lupang naitambak sa ilalim ng nasabing ilog.
Para sa Pasig River, ang desilting operation dito ay ang pagpapatuloy lamang ng nauna nang dredging operation na ginagawa rito.
Ayon kay Sec. Bonoan, kakailanganin nila ang tulong ng mga lokal na pamahalaan para maging matagumpay ang planong paghuhukay at paglilinis sa mga nasabing ilog.