Aprubado ang resolusyong nagtutulak sa Charter Change sa bisa ng Consititutional Convention sa naganap na House Committe of Constitutional Amendments, subalit tatlong partylist naman ang hindi sumang ayon dito.
Kabilang ang Gabriela, ACT Teachers Partylist at ang Kabataan Partylist.
Ayon sa Kabataan Partylist, wala naman raw papumblikong consensus o hindi suportado ng mga tao ang Charter Changer.
Nakapaloob sa nasabing resolusyon ang economic charter change, kung saan pinapahintulutan nitong magkaroon ng 100% na owership ang mga banyaga sa iba’t ibang sektor ng ekonomiya sa bansa, ngunit kung mapapansin raw ay hindi naman naramdaman ang epekto ng foreign investments sa ekonomiya.
Dagdag pa rito, ang economic charter change umano ay hindi magbibigay solusyon sa matataas na presyo ng bilihin at mababang sahod sa bansa sa halip ay pinoprotektahan lang umano nito ang malalaking dayuhang korporasyon kasama ang mga lokal na investors.