-- Advertisements --
Gumaling na ang tatlong mpox patients mula sa Quezon City.
Una nang nakapagtala ang naturang lungsod ng apat na aktibong kaso ng mpox at agad ding tinunton ang mga posibleng nakasalamuha ng mga ito.
Gayunpaman, wala namang natukoy na nahawa sa mga close contacts ng apat na pasyente.
Sa kasalukuyan, isang pasyente na lamang ang binabantayan sa QC – isang lalaking pasyente na nagpositibo ngayong Setyembre.
Ang naturang biktima ay naka-isolate sa kanyang bahay kung saan natunton na rin ang 14 na close contact kasama ang kanyang partner.
Ayon naman sa Department of Health, nananatiling kontrolado ang sakit na mpox sa Pilipinas, sa kabila ng sunod-sunod na paglitaw ng mga pasyente.