Binalaan ng tatlong Pilipinong call center agent na narescue ng mga otoridad sa Cambodia ang publiko na huwag maniniwala basta-basta sa mga alok na trabaho online.
Ginawa ng mga ito ang paalala matapos ang kanilang malagim na sinapit sa kamay ng kanilang mga employer.
Ayon sa mga ito, sila ay inabuso at pinagmalupitan matapos nilang malaman na ang kanilang kumpanyang napasukan ay nagpapatakbo ng scam hub.
Si alyas Alice , Weng at Ben ay na rescue ng mga tauhan ng National Bureau of Immigration at naiuwi sa Pilipinas noong March 16.
Batay sa pahayag ni Alice at Weng ay matagal na silang nagtatrabaho bilang call center agent sa Pilipinas kung saan kumikita sila ng P19,000 to P23,000 kada buwan habang si Ben ay isang restaurant manager.
Silang lahat ay pinangakuan umano ng $1,000 na sahod o katumbas ng 55,000 pesos per month kaya sila ay naengganyo na tumuloy sa alok na trabaho.