Tatlong Pilipino ang inaresto ng mga otoridad sa China dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa kaso ng espionage o pang-iispiya.
Ito ang kinumpirma ngayong araw ng Chinese state media na Global Times sa pamamagitan ng kanilang social media (‘X’) post.
Batay sa detalyeng ibinahagi ng naturang Chinese state media, nagsagawa umano ng imbestigasyon ang mga otoridad sa China at natuklasan na matagal nang nagsasagawa ng information gathering ang Philippine intelligence agencies.
Nakatuon umano ang operasyon nito sa mga deployment ng militar sa China.
Sa ngayon ay wala pang komento ang Embahada ng Pilipinas sa naturang bansa.
Kung maaalala, naaresto rin dito sa Pilipinas ang ilang Chinese national na sangkot sa pang-eespiya kasunod ng isinasagawang pagpapalakas ng AFP sa kanilang intelligence at cyber defense operation.