Tatlong simbahan sa bansa ang itinuturing na ngayon bilang national shrine matapos na italaga ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.
Ang pagtatalaga sa mga ito ay ginawa sa unang araw ng plenary assembly na ginanap sa Santa Rosa , Laguna.
Partikular na tinukoy ng CBCP ang Archdiocesan Shrine of Mary, Queen of Peace o EDSA Shrine at Our Lady of Loreto sa Sampaloc, Manila.
Kabilang din sa itinalaga bilang isang Pambansang dambana ang Diocesan Shrine of Our Lady of Aranzazu sa San Mateo, Rizal na kilala rin dahil sa mayamang kasaysayan mula pa noong taong 1596.
Paliwanag ng CBCP na ang pagtatalaga sa isang simbahan bilang isang national shrine ay pagkilala sa kanilang espiritwal, kultural, at makasaysayang kahalagahan.
Sa nasabing pagtitipon ay dumalo ang nasa 70 obispo mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at ngayong araw ito inaasahang matatapos.