-- Advertisements --
image 87

Naitala ng ating planeta sa loob ng tatlong magkakasunod na araw ang pinakamainit na araw habang ang lahat ng rehiyon sa buong mundo ay nagtitiis sa panganib na dala ng init. 

Uminit ang ating mundo sa pinakamataas na temperaturang naitala gamit ang ilang kagamitang gawa ng tao nang umabot sa 17.18 degrees Celsius  o katumbas ng 62.92 degrees Fahrenheit. 

Ito ang average na global temperature noong Martes batay sa data ng United States National Centers for Environmental Prediction.

Habang noong  Miyerkules naman ay naitabla nito ang record dahil muling umabot sa 17.18 degrees Celsius, ang naitalang init ayon parin sa datos ng naturang ahensya. 

Ang naitalang record ay unang itinakda noong Lunes na kung saan ang mundo ay mayroon lamang average na temperatura na umaabot sa  16.2 degrees Celsius, o 61.16 degrees.

Makikita sa datos na isang araw lamang ang inabot bago tuluyan nitong malampasan ang naturang temperatura. 

Ang init na bumabalot sa mundo ay dulot pa rin ng El Niño at kumbinasyon ng greenhouse gas emissions na pangunahing responsable sa global warming.

Sa isang pahayag, sinabi ni Robert Rohde, physicist at lead scientist sa Berkeley Earth isang non-profit environmental data analysis group na posible maaari pang makapag tala ang ating mundo ng pinakamainit na temperatura sa susunod na  anim na linggo.

Samantala, ikinukunsidera rin ang Init bilang number-one weather-related killer sa buong mundo.

Batay sa datos ng United States Centers for Disease Control and Prevention, umaabot sa 600 na katao ang namamatay bawat taon sa kanilang bansa dahil sa matinding init. 

Kamakailan lamang , umabot sa 13 na katao ang namatay sa Texas dahil sa heat-related illnesses.