-- Advertisements --

Binigyang pagkilala ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa plenaryo ng Senado ang tatlong uniformed personnel sa pagtugis sa dalawa sa most wanted na mga kriminal sa Region 11.

Inisponsoran ni dela Rosa sa plenaryo ang proposed Senate Resolution 1270.

Sa resolusyon pinapurihan sina Police Senior Master Sergeant Ryan Mariano at Bureau of Corrections officer Melvin Magnaye sa ipinakita nilang “katapangan” nang mapabagsak nila ang riding-in-tandem na tinaguriang wanted ng Philippine National Police dahil sa kanilang pagkakasangkot sa drug trafficking at ilang insidente ng pamamaril.

Noong Disyembre 31 2024, binaril ng dalawang most wanted na kriminal sa Zamboanga Peninsula si Mariano na may duty noong bisperas ng Bagong Taon sa Mount Carmel Parish Church.

Para kay Dela Rosa, panahon na para bigyan ng karangalan ang katapangan ng dalawang unipormadong tauhan dahil ang hindi kanais-nais na insidenteng ito ay nagpakita ng kanilang katapangan at determinasyon na pagsilbihan at protektahan ang publiko.

Kinilala din ni Dela Rosa si Zamboanga City Police Director Kimberly Molitas sa kanyang pamumuno, at sinabing ang kanyang kaalaman sa pagde-deploy ng mga tauhan ng PNP sa pagsalubong ng Bagong Taon ay nakatulong sa pagbibigay ng kaligtasan at seguridad sa mga nagsisimba at sa komunidad.