-- Advertisements --

Tatlong weather system ang magdadala ng maulang panahon sa ilang bahagi ng bansa ngayong araw.

Asahan ang maulap na panahon at kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas, Bicol Region, CALABARZON, MIMAROPA, at Aurora epekto ng umiiral na shearline.

Bahagyang maulan na panahon rin ang aasahan ngayong araw sa Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at nalalabing bahagi ng Central Luzon dulot ng Northeast Monsoon o Amihan.

Magiging maulan rin ngayong araw ang ilang parte ng Mindanao dahil sa easterlies.

Pinag-iingat ang lahat na malalapit sa mga lugar na madalas magkaroon ng pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa mga pag-ulan.

Posible namang umiral ang mga nasabing weather system hanggang sa mga susunod na araw.