-- Advertisements --

Patuloy na magdadala ng mga kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ang tatlong umiiral na weather system.

Ngayong araw ay asahan na ang maulap na papawirin hanggang sa pagkakaroon ng panaka-nakang pag-ulan at isolated thunderstorms sa bahagi ng Visayas, MIMAROPA, Bicol Region, Caraga, Laguna, Rizal, at lalawigan ng Quezon dahil sa Shearline.

Ito ay maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa moderate hanggang heavy na pag-ulan.

Magiging maulap rin ang papawirin sa bahagi ng Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Aurora epekto ng Northeast Monsoon.

Dito naman sa bahagi ng Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay aasahan rin ngayong araw ang maulap na kalangitan at bahagyang pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon bagamat hindi ito magdudulot ng masamang epekto.

Bahagyang maulap na papawirin ang iiral sa nalalabing bahagi ng Mindanao epekto ng easterlies.

Pinag-iingat rin ang mga residente mula sa rehiyon sa posibleng insidente ng pagbaha at pagguho ng lupa.