-- Advertisements --

Lumubo pa sa P67.68 million ang halaga ng pinsalang dulot ng tatlong weather system sa sektor ng pagsasaka matapos ang ilang lingo nitong pag-iral sa malaking bahagi ng bansa.

Sa kasalukuyan ay nakakaranas ang bansa ng Shear Line at Northeast Monsoon o Amihan, kasama ang mas mahinang Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Naka-apekto ito sa kabuhayan ng mahigit 1,887 magsasaka at sumira sa kabuuang 472 metriko tonelada ng mga agricultural products mula sa kabuuang 3,692 ektarya ng mga sakahan.

Inaasahang magbabago pa ang naturang datus kasabay ng tuloy-tuloy na validation na ginagawa ng mga field officer ng Department of Agriculture(DA).

Nananatiling pinaka-apektado rito ang rice industry kung saan 86% ng kabuuang damage ang binalikat nito. Ang nalalabi ay pinag-hati-hatian na ng livestock, high value crops, at iba pang industriya.

Nananatiling pangunahing apektado ng tatlong weather system ang Bicol Region, Mimaropa, Davao Region, Eastern Visayas, atbpa.