-- Advertisements --
Tatum Jason
Jayson Tatum/ IG post

Hindi makakapaglaro ng dalawang laro sa FIBA basketball World Cup si U.S. forward Jayson Tatum dahil sa sprained left ankle injury.

Natamo nito ang injury sa overtime game nila ng Turkey nitong Martes.

Dahil dito ay hindi makakapaglaro ang Boston Celtics star sa Japan sa Group E ngayong Huwebes at ang second round game sa araw ng Sabado.

Nakatakdang i-evaluate ng mga eksperto ang injury ni Tatum sa araw ng Lunes.