-- Advertisements --

Umiskor ng 33 big points si Jayson Tatum upang tambakan nang husto ng Boston Celtics ang Philadelphia 76ers, 128-101.

Bunsod nito, angat na ang Celtics sa 2-0 sa banggaan nila ng Sixers sa kanilang first-round Eastern Conference playoff series.

Umasiste rin sa hanay ng Boston sina Kemba Walker na may 22 points, at si Jaylen Brown na may 20.

Sa kampo ng Philadelphia, nasayang ang 34 points at 10 rebounds ni Joel Embiid, maging ang 18 points ni Josh Richardson.

Abanse pa ang 76ers ng 14 puntos sa first quarter, ngunit ipinilit ng Celtics na makahabol at hindi na lingunin pa ang Philadelphia hanggang sa dulo ng bakbakan.