Bumida si Jayson Tatum sa kanyang pitong 3-pointers at kabuuang 32 points upang dalhin ang Boston Celtics sa panalo laban sa Atlanta Hawks, 112-107.
Umeksena rin naman sina Enes Kanter gamit ang 16 points at 15 rebounds at si Romeo Langford ay nagbuslo ng 16 points mula sa bench para iposte ng Boston ang ika-anim na sunod na panalo.
Sinamantala ng Celtics (36-15) ang kahinaan ng Hawks (14-39) na kabilang sa kulelat na team at ang kawalan ni Trae Young at tatlong iba pang players dahil sa injury.
Hindi rin naman nakasipot sa court ang mga starters ng Celtics na sina Jaylen Brown (right ankle sprain), Gordon Hayward (left foot soreness) at Daniel Theis (right ankle sprain).
Sa ngayon hindi pa nakakapaglaro ang mga bagong nakuha ng Hawks sa trade na sina Clint Capela, Dewayne Dedmon at Skal Labissiere bunsod na inaayos pa ang mga papeles.