Pumayag si star forward Jayson Tatum na manatili sa Boston Celtics makaraang lumagda ito sa five-year deal na $195-million max extension.
Mag-uumpisa ang deal extension sa 2021-22 season dahil mayroon pang isang taon ang 22-year-old sa kanyang rookie contract.
Nakuha ng Celtics si Tatum bilang No. 3 overall noong 2017 draft mula sa Duke.
Sa loob ng NBA bubble sa Florida, lumikha si Tatum ng average career-high na 23.4 points kada game, na mas mataas sa record nito noong 2018-19 na halos walong puntos.
Maliban dito, may average rin si Tatum na 7.0 rebounds, 3.0 assists at 1.4 steals, na kanya ring career highs at nahirang din ito sa kanyang unang All-Star team at sa All-NBA third team.
Pagsapit ng postseason, naglista ng average na 25.7 points at 10.0 rebounds si Tatum kada laro at pinamunuan ang Celtics sa Eastern Conference finals ngunit nabigo sila sa kamay ng Miami Heat sa loob ng anim na laro.
Si Tatum ang ikatlong manlalaro mula sa 2017 class na lumagda ng max extension buhat nang magbukas ang free agency nitong Biyernes, kasama sina Utah Jazz guard Donovan Mitchell at Sacramento Kings guard De’Aaron Fox.