-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sugatan ang isang miyembro ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa pananambang sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Murandak Abdulrahman,42 anyosd,may asawa aqt residente ng Talayan Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Arnold Santiago na sakay ng isang Elf truck ang biktima patungong Pigcawayan North Cotabato para dumalo sa isang pagtitipon ng kanilang pamilya.

Ngunit pagsapit ng trak sa Barangay Nunangen Datu Anggal Midtimbang Maguindanao ay bigla itong pinaputukan ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan gamit ang M16 armalite rifles.

Nagawa pa ng driver na patakbuhin ang elf truck patungo sa ligtas na lugar at humingi ng tulong sa outpost ng mga sundalo.

Agad namang dinala ang biktima sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Cotabato City at nasa maselang kondisyon.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Datu Anggal Midtimbang PNP sa naturang pangyayari.