-- Advertisements --
WASHINGTON DC – Nagdesisyon ang federal judge sa Estados Unidos na maaaring obligahin ang White House staff o mga tauhan ni US President Donald Trump para isalang bilang testigo sa imbestigasyon ng Kongreso.
Sa kabila ito nang paggiit ng kampo ni Trump ukol sa kanilang immunity para sa anumang imbestigasyon.
Dahil dito, mapipilitan nang sumalang sa pagsisiyasat si dating White House counsel Don McGahn ukol sa umano’y pakikialam ng Russia sa 2016 US elections.
Ayon kay US District Judge Ketanji Brown Jackson, hindi absolutely ang immunity ng executive branch sa nabanggit na usapin.
Matatandaang una nang pinadalhan ng subpoena si McGahn, ngunit nagmatigas ito at hindi sumipot sa hearing. (BBC)