Mahigpit muna ipagbabawal sa lungsod ng San Juan ang pagsasagawa ng taunang pagsasaboy ng tubig sa mga taong dumaraan.
May kaugnayan ito sa kapiyastahan bukas, June 24 ni Saint John the Baptist (San Juan de Bautista).
Ayon sa city government ng San Juan, kanila muna itong ititigil dahil sa ipinapatupad na health protocols kasunod ng coronavirus pandemic.
Isinasagawa ang pagdiriwang sa pamamagitan ng tradisyunal na basaan o ang pagbubuhos ng tubig sa mga bata o may edad na sa mga tao sa kalsada.
Nagpaalala na lamang ang city government ng San Juan na maaaring magdiwang na lamang ang mga residente sa kanilang mga bahay.
Bukod kasi sa taunang pagbubuhos ay ng tubig ay nagkakaroon ng mga street dancing competition subalit dahil sa pandemic ay tuluyan na itong kinansela.
Tiniyak naman ng San Juan government na kanilang aarestuhin ang sinumang lalabag sa ipinapatupad na pagbabawal sa pagdiriwang dahil sa kapiyestahan.